Manila, Philippines – Nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na hindi masasayang ang mga naimprentang balota kahit napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan election.
Ayon kay Jimenez na ngayon ay napirmahan na umano ng pangulo ang pagpapaliban ng SK at Brgy election mayroon silang gagawing hakbang upang hindi masayang ang balota.
Matatandaan na una nang inamin ng COMELEC na malulugi ang gobyerno ng 230 milyong piso o katumbas ng 77 milyong balota sakaling hindi matuloy ang halalan ngayon taon.
Plano ngayon ng COMELEC ang posibilidad na gamitin muli ang mahigit 29 na milyong balota na naimprenta ng ahensiya na nakalaan sana para sa Barangay at SK election.
Paliwanag ni Jimenez posibleng gumamit ng sticker o correction fluid para palitan ang petsa sa mga balota o hayaan na lang ito o magpasa ng resolusyon na magpapahintulot sa naturang hakbang.
Sa ilalim ng Section 181 ng Omnibus Election Code kinakailangan na nakasaad sa itaas at gitnang bahagi ng official ballot ang Republic of the Philippines ang salitang ” Official Ballot” at ang Lungsod o Munisipalidad at Lalawigan kung saan isinagawa ang election at ang mismong petsa.