Manila, Philippines – Magdamagan na ang ginagawang pag-iimprenta ng National Printing Office sa mga balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon sa COMELEC-Printing Committee, 24/7 o beinte kwatro oras kada araw at pitong araw kada-linggo ang operasyon ng NPO para tapusin ang pag-iimprenta sa mga balota.
Nasa halos dalawang milyong balota na ang naiimprenta.
Tiniyak naman ng NPO na kakayanin nilang tapusin ang 77 milyong balota na gagamitin sa buong bansa.
Sa revised timeline ng COMELEC, target na matapos ang pag-iimprenta ng balota sa October 9, 2017.
Sisimulan naman ang shipment ng balota sa October 9 at target itong matapos sa October 20.
Facebook Comments