Mga naimprentang mga balota, nakatakda nang ipadala sa mga probinsya

Kinumpirma ni Comelec Director Teofisto Elnas Jr., na nakumpleto na ang pag-iimprenta ng 61, 843, 756 na balota.

Ayon kay Director Elnas, mayroon na lamang anim na milyong balota ang kinakailangang isailalim sa verification at kapag natapos na ang prosesong ito ay isusunod na ang shipment sa mga probinsya.

Prayoridad anya sa shipment ang mga mas malalayong probinsya tulad ng ARMM at Batanes.


Samantala, sinabi ni Elnas na mas kakaunting Vote Counting Machines o VCMs ang gagamitin sa halalan ngayong taon kumpara sa dami noong 2016 elections.

Aabot sa 85,000 ang nakahandang VCMs para sa halalan sa Mayo kung saan mas kaunti ng 5,000 sa ginamit noong nakalipas na halalan.

Sinabi rin ni Director Elnas na nasa 63 percent na ang installation ng mga gagamitin vote transmission facilities.

Facebook Comments