Mga naipasang panukalang batas ng Kamara, ibinida sa pag-adjourn ng session para sa Christmas break

Sa kanyang talumpati bago mag-adjourn session ng House of Representatives para sa Christmas break ay ibinida ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga panukalang batas na naipasa ng Kamara na layuning mapasigla ang ekonomiya, nakalikha ng maraming trabaho, magbigay ng dagdag na kita at mapabuti ang buhay ng mamamayang Pilipino.

Kabilang dito ang 20 panukalang isinusulong ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC at ang 17 priority bills na binanggit ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Pangunahin ding ipinagmalaki ni Romualdez ang pagpasa sa 2024 General Appropriations Bill na lalaban inflation, gagawing abot-kaya ang presyo ng bigas at iba pang bilihin, magbibigay ng mas maraming trabaho at pagkakakitaan at magpapalawak sa social services.


Ayon kay Romualdez, nakapaloob sa 2024 budget ang “revolutionary rice subsidy program” ni PBBM na target maibaba ang presyo ng bigas na hindi lalagpas sa 30 pesos kada kilo sa buong kapuluan.

Pinasalamatan naman ni Romualdez ang mga kasamahang kongresista at mga empleyado ng Kamara sa kanilang hindi matatawarang suporta at dedikasyon sa trabaho.

Facebook Comments