Hindi na kinakailangan pa ng mga natanggal sa voters’ list na magtungo sa mga local election offices para muling ipa-reactivate ang kanilang rehistro.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, maaari nang ma-reactivate ang kanilang rehistro online.
Sinabi pa ni Garcia, bisitahin lamang ang kanilang website at makikita na doon ang proseso kung papaano muling magpa-reactivate ng voters’ registration.
Hindi na rin daw kakailanganin ang biometrics at fingerprint dahil may hawak ng datos ang Comelec.
Kung kaya’t dahil dito, hinhikayat ng Comelec ang mga nasa halos limang milyong botante na natanggal sa listahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makaboto sa 2025 midterm elections.
Facebook Comments