Naniniwala si dating Senadora – DOJ Secretary at Liberal Party Spokesperson Leila de Lima na walang dahilan upang baguhin ang Konstitusyon dahil malinaw na para lamang ito sa pansariling interes ng mga nagsusulong nito.
Sa ginanap na forum sa Club Filipino sa San Juan City sinabi ni De Lima na diskarte lamang umano nila ito para maisulong ang Cha-Cha lalo’t hindi malinaw sa mga tao kung economic provisions lamang ang layunin nito, dahil kapag aniya ito ay nagtagumpay sa pamamagitan ng plebesito, ay wala nang magagawa ang taumbayan kung sisingitan ito ng political provisions tulad na lamang ng pagpapalawig sa mga termino dahil nasa kamay na ng mga mambabatas ang desisyon.
Matatandaan sa naging pahayag ni Pangulong Marcos na posibleng maisabay ang plebesito sa eleksyon sa susunod na taon,
Giit pa ni De Lima, delikado pa rin itong economic Cha-Cha dahil posibleng makontrol ng mga dayuhan ang edukasyon, halimbawa na lamang nang pagpapaniwala sa mga estudyante na pagmamay-ari ng China ang West Philippine Sea.