Mga nais magpabakuna ng AstraZeneca, pwedeng mag-walk-in sa Navotas bukas

87

May 1,200 slots para sa mga nais magpabakuna ng 1st dose o may missed 2nd dose ng AstraZeneca sa Navotas.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, pwedeng mag-walk-in sa vaccination sites bukas para magpabakuna ng AstraZeneca.

Kinabibilangan ito ng Tumana Health Center at Navotas Elementary School na parehong may tig-600 doses ng AstraZeneca vaccine.


Samantala, sa ngayon ay nasa 473 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Navotas.

Paalala ni Mayor Tiangco, na kahit unti-unting bumababa ang mga kaso ay hindi pa rin ibig sabihin nito na wala nang banta ng COVID-19 at pwede nang makampante.

Diin ni Tiangco, dapat ay mag-doble ingat pa rin lahat at magpabakuna para malayo ang sarili at mga mahal sa buhay mula sa peligro.



Facebook Comments