Sa ating panayam kay Ginang Juliet Ramos, Center Administrator ng Isabela Provincial Training Center na isa sa mga panauhin sa pagtatapos ng mga AMAS at ANMAS TESDA Scholars kahapon sa bayan ng Sta. maria, na bukas aniya ang kanilang tanggapan sa mga gustong mag-inquire at sumailalim sa pagsasanay ng TESDA.
Sa kasalukuyan aniya, maraming TESDA Training ang isinasagawa ngayon sa iba’t-ibang bayan sa probinsya lalo na sa mga lugar na naimpluwensyahan ng mga makakaliwang grupo.
Ayon pa kay Gng Ramos, ibinahagi nito na maging ang mga bayan na maraming drug surenderees ay kanilang binibigyan ng skills training bilang tulong para sa kanilang pagsisimula at maiiwas na bumalik sa kanilang dating trabaho o bisyo.
Maging ang mga barangay na apektado ng insurhensiya ay tinutulungan na rin ngayon ng TESDA sa pamamagitan ng livelihood at skills training tulad ng Bread and Pastry Production NC II, Organic Agriculture Production NC II, Driving Course NC II, at Shielded Metal Arc Welding NC II.
Sa mga indibidwal aniya na hindi kasama sa anumang grupo o asosasyon at may pagsasanay namang isinasagawa ng TESDA sa lugar ay maaaring makipag ugnayan sa nasabing ahensya para makasabay sa training.
Kapag natapos naman sa pagsasanay at pumasa sa assessment ng TESDA ang isang indibidwal ay mabibigyan ito ng NC II at maaari nang nakapag-apply ng trabaho.
Kaya naman sa mga gustong sumailalim sa TESDA Training ay lumapit lamang sa accredited TESDA Office para malaman ang proseso ng gagawin ganun din sa mga isusumiteng requirements.