Mga naitalang COVID-19 cases sa bansa, umakyat ng 7 percent – OCTA Research

Umakyat ng 7 percent ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo.

Ito ang lumabas sa datos ng OCTA Research Group kung saan mula sa 6,247 ay nasa higit 8,000 ang naitalang bagong kaso sa nakalipas ng dalawang araw.

Kaugnay nito, nasa 1,155 na ang 7 day average COVID-19 cases sa National Capital Region na mas mataas ng 35 percent kumpara noong nakaraang linggo.


Ayon pa sa OCTA, bukod sa Metro Manila ay nakitaan din ng pagtaas ng mga kaso ang Cebu, Ilocos Norte, Bulacan, Misamis Oriental, Pampanga, Rizal, at Bataan.

Facebook Comments