Mga naitalang human rights violations sa gitna ng pinapatupad na ECQ, pinaiimbestigahan

Hiniling ni House Committee on Human Rights Chairman Jesus “Bong” Suntay sa Kamara na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao na naitala sa kasagsagan ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa gitna ng virtual teleconference ng House Defeat COVID-19 Committee (DCC) Sub-committee on Peace and Order, inihirit ni Suntay ang imbestigasyon sa mga naitalang human rights violation.

Ayon kay Suntay, sinusubok ng sitwasyon ngayon ang Balancing Act sa pagitan nang pagpapanatili ng peace and order at human rights.


Binigyang diin nito na kahit nahaharap sa public health crisis ang bansa, hindi naman ito nangangahulugan na maari nang isantabi ang mga karapatang pantao.

Hindi aniya dapat pinapahintulutan ang “excessive force” laban sa mga lumalabag sa quarantine protocols.

Hiniling din nito ang pagkakaroon ng transparency sa proseso at accountability sa mga otoridad na lumalabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments