Kinondena ng Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang mga naitalang insidente ng mga pagpatay sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur.
Kasunod ito ng malagim na pagpatay kina Jin Utto Lumenda Basalo at ng tatlong buwang gulang nitong anak.
Ayon sa OSAP, nakipagtutulungan na sila sa mga lokal na awtoridad para sa mas mabilis na imbestigasyon at para makamit ang hustisya at matiyak na hindi na mauulit ang katulad na insidente.
Hindi anila kukunsintihin ng pamahalaan ang ganitong uri ng karahasan.
Dagdag pa ng ahensya, patuloy nilang isusulong ang pang matagalang kapayapaan at katatagan hindi lang sa Rajah Buaya kundi sa buong rehiyon.
Nananatili ring committed ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng mamamayan.