Mga naitalang insidente ng sunog sa unang bahagi ng 2022, tumaas kumpara noong nakaraang taon

Tumaas ng 13% ang mga insidente ng sunog sa nakalipas na 2 buwan kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Spokesperson Superintendent Annalee Atienza, pangunahing dahilan dito ang overuse ng mga electrical appliances at faulty electrical wiring.

Mula aniya Enero hanggang kahapon, nasa 2,103 insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mas mataas kumpara sa 1,863 noong nakaraang taon.


Kahapon, kasabay ng pagsisimula ng fire prevention month ay tatlong sunog ang naitala kung saan 2 sa Metro Manila at isa sa Western Visayas.

Samantala, bilang bahagi ng fire prevention month ay magsasagawa ang BFP ng safety awareness campaign na layong maiwasan ang mga insidente ng sunog sa bansa.

Facebook Comments