Ibinida ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan na bumaba ang mga naitalang crime rates sa buong Quezon City.
Ayon kay PBGen. Maranan, ikinatuwa nito ang pagbaba ng krimen sa lungsod simula April 26 hanggang September 9, 2024 kumpara sa kaparehong taon.
Paliwanag pa ni Maranan sa Robbery incidents, bumaba sa 54 na kaso o katumbas ng 33.13% ang ibinaba; kung saan ang bilang ng kasong pagnanakaw ay bumaba ng 137 incidents o katumbas ng 30.65%; habang ang motornapping cases ay bumaba ng 30.26%, na may 23 ilang insidente ang naitala.
Umapila ang general sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya at mga traffic enforcers, at laging sumunod sa batas trapiko at dapat ay tulong tulong ang lahat para sa ligtas at maayos na lungsod Quezon.