Mga naitatalang rockfall events sa Bulkang Mayon, tumaas ayon sa PHIVOLCS

Tumaas ang naitalang rockfall events sa Bulkang Mayon kumpara sa mga nakaraang araw.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong umaga, December 26, nakapagtala ng 20 rockfall events at isang volcanic earthquake sa bulkan.

May na-monitor din na katamtamang pagsingaw sa bulkan na napapadpad sa Kanluran-Timog Kanluran at Kanluran-hilagang kanluran.


Nakapagtala rin ng mahinang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan, ngunit natatakpan ito ng ulap.

Sa kabila nito, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang estado ng Mayon.

Facebook Comments