Mga naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao, sumampa na sa 11

Mula sa 9, umakyat pa sa 11 ang naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao nitong Nov 17, 2023.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 1 rito ang kumpirmadong nasawi dahil sa lindol kung saan nadaganan ang isang 78 yrs old na lolo matapos gumuho ang mga bato habang nagpapahinga partikular sa Butuan, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Samantala, ang 10 naiulat na nasawi at patuloy pang beneberipika.


Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 37 sugatan na kinabibilangan ng mga nabagsakan ng puno, debris at pagkasugat mula sa nabasag na gamit sa bahay.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, nasa 16,598 pamilya o halos 80,000 indibidwal ang naapektuhan mula sa 120 Barangay ng Region 11 at 12.

Kasunod nito, kabuuang 5,407 kabahayan ang winasak ng lindol kung saan 4,733 ang naitalang partially damaged at 674 ang totally damaged.

Facebook Comments