MANILA – Humihingi ng tulong sa pamahalaan at sa employer ang ama ng isa labing tatlong OFWs na namatay sa sunog sa pinagta-trabahuhang sa Iraq. Ayon kay Ginoong Dante Capusanon, ama ng namatay na OFW na si Iris Glomar, trenta y tres anyos. Problema nya ngayon ang pag aaral ng tatlo nyang apo na naiwan ng nasawing Pinay.Hiwalay aniya sa asawa si Iris at naka enroll sa private school ang tatlong anak nito. Malamang aniyang mahinto sa pag aaral ang kanyang mga apo dahil wala silang kakayahan na matustusan ang pag aaral ng mga ito. Nabatid na hindi miyembro ng OWWA si Iris kaya walang matatanggap na benepisyo mula sa ahensya ang pamilya nito.Nakalagak ngayon ang labi ng OFW sa St. Peter Chapel sa Las Pinas at ito ay ihahatid sa huling hantungan sa Huwebes.
Mga Naiwang Pamilya Ng Mga Ofw Na Namatay Sa Sunog Sa Kurdistan Umepala Ng Tulong Sa Gobyerno
Facebook Comments