Mga naka-confine sa PGH na nalason sa lambanog, nabawasan na ng 10

Nabawasan na ng sampu ang mga pasyenteng naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) matapos malason sa lambanog.

Sa pinakahuling tala ng PGH, 39 na pasyente na lamang ang mino-monitor ngayon sa nasabing ospital.

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, sa naturang bilang, 12 dito ay nanatiling nasa emergency room ng ospital.


Mas mababa ito mula sa 24 pang pasyente nila sa ER kahapon.

Nailipat na kasi ang ibang pasyente sa ward ng ospital kaya mayroon ngayong 26 na nalason ng lambanog ang ng nanatili pa sa ward ng PGH.

Mahigpit naman ang monitoring ng mga nurse at doktor sa isang pasyenteng nanatili sa Intensive Care Unit o ICU.

Facebook Comments