Mga naka-imbak na gamot ng DOH na malapit ng ma-expire, planong imbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Plano ni Committee on Health Chairman Senator Bong Go na imbestigahan ang mahigit 367-million pesos na halaga ng gamot ng DOH na expired na o malapit ng ma-expire pero hindi pa naipapamahagi.

Base sa report ng Commission on Audit o COA, ang nabanggit na mga gamot ay nakaimbak pa rin sa warehouse ng DOH.

Bukod pa ito sa 72.39 million pesos na halaga ng mga gamot na naipamahagi na ng DOH sa mga regional offices at regional hospitals pero malapit ng mag-expire.


Plano ni Go na bago ang pagdinig ay hihingan muna niya ng paliwanag ang DOH.

Diin ni Go, hindi dapat masayang ang pondo na ginugugol sa pambili ng gamot ng pamahalaan habang maraming mga Pilipino ang nangangailangan ng tulong medikal at pinansyal.

Giit ni Go, makabubuting pag-aralang mabuti ng DOH ang time frame mula sa pagbili hanggang sa pamamahagi ng mga gamot para matiyak na mapapakinabangan ito ng mamamayan.

Facebook Comments