Plano ni Senator Francis Tolentino na bumalangkas ng panukalang batas na layuning maibsan ang pasanin ngayon ng mga manggagawang naka-work from home tulad ngayon na may COVID-19 pandemic.
Sa panukala ni Tolentino ay itatakda ang pagbibigay ng employer ng ₱1,000 electricity allowance sa mga manggagawa nitong sa bahay nagtatrabaho.
Naniniwala si Tolentino na kaya itong ibigay ng mga employer dahil nakakatipid naman sila kung naka-work from home ang empleyado.
Sabi ni Tolentino, kung hindi allowance ay pwede rin na pagkalooban ang empleyado ng 1,000 tax deduction.
Facebook Comments