Pipilitin ng Commission on Elections (COMELEC) na madesisyunan sa susunod na linggo ang mga petisyon na humihiling ng exemption para sa election spending ban.
Partikular ang mga ahensya ng pamahalaan at local governments na humihiling ng exemption sa batas na nagbabawal sa paggatos ng pondo sa mga proyekto ngayong election period.
Sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na sa ngayon, 25 pang mga petisyon ang nakabinbin sa poll body.
Kabilang sa mga pinayagan na ng COMELEC na magamit ang kanilang pondo para sa mga proyekto ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Vice President at Davao de Oro Provincial Government.
Hindi naman pinagbigyan ng COMELEC ang petisyon ng pamahalaang lalawigan ng Nueva Ecija, Bohol, at Cebu.
Partially granted naman ang petisyon ng Quezon City, Sta. Rosa sa Laguna at pamahalaang panlalawigan ng Palawan.