Mga nakaimbak na antigen kits at PPE, dapat ilabas at ipagamit na ng DOH

Ikinalungkot ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list representative Elizaldy Co na ang mga antigen test kit na malaking tulong sana para matukoy ang mga positibo sa COVID-19 ay hindi nakakarating sa mga barangay.

Bunsod nito ay iginiit ni Co sa Department of Health (DOH) na ipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan ang mga antigen kit at personal protective equipment o PPE na nananatiling nakaimbak sa mga storage nito.

Diin ni Co, marapat na mapakibangan ng mga Pilipino lalo na ng mga healthcare worker ang nasabing antigen kits at PPE sa halip na masayang.


Paalala ni Co sa mga opisyal ng DOH, dapat ay ibinababa sa barangay level ang mga antigen kit at PPE alinsunod sa batas na Bayanihan Act.

Facebook Comments