Mga nakaimbak na armas ng NPA, narekober ng mga awtoridad sa Gumaca, Quezon

Nasamsam ng mga tauhan ng 85th Infantry Battalion ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang mga nakaimbak na armas ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Laguna, Gumaca, Quezon.

Kabilang sa mga narekober ang dalawang M14 rifle, isang M1 Garand rifle, limang cal.38 revolver, dalawang blasting cap na may wires, limang magazine at rifle clip.

Ayon kay 2ID Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, natunton ang imbakan ng armas ng NPA dahil sa impormasyong ibinigay ng isang nagbalik-loob na si alyas Ginel.


Ani Capulong, senyales lamang ito na mahina na ang pwersa ng NPA sa Quezon.

Kasunod nito nananawagan ang mga awtoridad sa mga natitirang NPA member na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan.

Facebook Comments