Mga nakaimbak na armas ng NPA, narekober ng militar sa Samar

Nasamsam ng tropa ng 63rd Infantry Battalion ang mga nakaimbak na armas ng New People’s Army sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey Samar.

Ayon kay 63IB Commander Lieutenant Colonel Lucio Janolino, nadiskubre ng mga tropa ang nakabaon na armas dahil sa impormasyong ibinahagi ng isang NPA lider na sumuko kamakailan.

Kabilang sa mga narekober ang apat na AK47 rifle, limang upper receivers ng M16 rifle, limang mahabang magazine, at dalawang disc-type magazine ng AK47.


Kasunod nito, nagpapasalamat si Janolino sa kooperasyon at sinseridad ng sumukong NPA lider at sinabing malaking bagay ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng mga dating rebelde upang mawakasan ang insurhensya sa rehiyon.

Facebook Comments