Tinutulan ng Department of Health ang panukalang hindi na pagsuotin ng face mask ang mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t nabakunahan na ay may posibilidad pa ring mahawa ng COVID-19 ang mga fully vaccinated na indibidwal.
Matatandaang sa Estados Unidos ay hindi na kinakailangan pang magsuot ng face mask ang mga nakakumpleto na ng dose ng COVID-19 vaccine bilang bahagi ng unti-unting pagbabalik sa normal sa kanilang bansa.
Sa ngayon, nasa halos 3 milyong indibidwal na ang nakatanggap ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine pero malayo pa rin ito sa target na 70 milyong Pilipino para maabot ang tinatawag na herd immunity.
Facebook Comments