Mga nakalayang bilanggong sangkot sa henious crime, dapat maibalik sa kulungan

Dapat lamang na maibalik sa kulungan ang mga napalayang Persons Deprived of Liberties (PDL) na nasangkot sa karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa ilalim ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law na nagbibigay ng pagkakataong makalaya ang mga presong nagpakita ng mabuting asal at pag-uugali sa loob ng piitan ay hindi sumasaklaw sa henious crimes.

Nilinaw naman ni Sen. Bong Go na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte na umabot sa higit 1,900 preso ang nabigyan ng pribilehiyong ito kabilan na rito ang mga convicted drug lord na matagal nang nakalabas ng bilibid mula pa noong 2014.


Sinabi pa ni Go na ipag-uutos ni pangulo sa mga pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na ipaliwanag kung bakit nangyari ito.

Facebook Comments