
Para matiyak ang kaligtasan ng publiko, isinagawa ng Quezon City Government ang Anti-Dangling Wires Operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Layunin ng operasyon na tanggalin ang mga nakalaylay na kable, patay na linya o dead wires, iligal na koneksyon, at mga delikadong poste na maaaring magdulot ng sunog, aksidente o sagabal sa mga pedestrian.
Kabilang din sa isinagawang operasyon ang pagsasagawa ng re-tightening at adjustment ng mga low sagging telco wires.
Sa pamamagitan nito, mas ligtas at maayos na ang mga pangunahing lansangan ng lungsod.
Isinagawa ang Anti-Dangling Wires Operations sa Batasan (IBP) Road corner Litex, Brgy. Commonwealth, Hon. B. Soliven St. corner Payatas Road, Brgy. Commonwealth, Ascencion Avenue, Brgy. Greater Lagro at P. Francisco St., Brgy. Krus na Ligas.









