Nakabalik na ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Canberra, Australia.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), dakong alas-8:30 kagabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo.
Sa arrival statement ni Pangulong Marcos, ibinahagi nito ang mga nakamit ng Pilipinas mula sa kaniyang dalawang araw na state visit.
Kabilang dito ang pagtalakay niya sa iba’t ibang isyu sa kaniyang talumpati sa Australian Parliament, at sa bilateral meeting nila ni Prime Minister Anthony Albanese.
Ibinida rin ng Pangulo ang tatlong kasunduang nilagdaan niya at ng Australia sa larangan ng maritime cooperation, cyber at critical technology, at implementasyon ng competition laws.
Samantala, muli namang babalik sa Australia si Pangulong Marcos sa March 4, hanggang March 6, para sa ASEAN-Australia Special Summit kasunod ng imbitasyon ni Prime Minister Albanese.