Mga nakapaloob sa bagong BBL. hindi sana pakialaman ni Pangulong Dutete

Manila, Philippines – Umaasa si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na hindi pakikialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isusumiteng bagong Bangsamoro Basic Law na ginawa ng Bangsamoro Transition Commission.

Sa darating na Lunes kasi ay isusumite na ng BTC kay Pangulong Duterte ang draft ng BBL bago ito tuluyang isumite sa Kongreso.

Ayon kay Dureza, umaasa sila na sa oras na matanggap ng Pangulo ang bagong draft ng BBL ay agad itong ibibigay ng Pangulo sa kongreso para masimulan na ang proseso para ito ay tuluyang maisabatas at maipatupad sa Bangsamoro region.


Sinabi pa ni Dureza na hindi trabaho ng ehekutibo na manghimasok sa mga panukalang batas.

Paliwanag pa nito, papasok lamang ang mandato ng Pangulo sa oras na maisabatas ng kongreso ang isang panukala kung saan may karapatan ang pangulo na aprubahan ito o gamitin ang kanyang Veto power o ibasura ang nasabing batas.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments