Mga nakapaloob sa Human Security Act, nais ipabago ng AFP sa kongreso

Isinusulong ng Armed forces of the Philippines sa kongreso ang pag-amyenda sa ilang mga nakapaloob sa Human Security Act o RA 9872.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, nahihirapan ang militar na tapusin ang terorismo sa bansa dahil sa masalimuot  ang nilalaman ng nasabing batas.

Nais nilang gawing 30 araw mula sa tatlong araw na mai-custody ang isang naarestong hinihinalang terorista para may panahon silang makapangalap ng ebidensya.


Gusto rin nilang hindi grupo sa halip indibdiwal na terorista ang kakasakuhan.

Hiling din nila na alisin na ang 500 libong pisong multa kada araw sa isang law enforcer na nagkamaling  arestuhin ang hindi terorista.

Ginawa ng AFP ang kahilingan dahil hindi nakakasuhan ang mga totoong terorista dahil sa pagsunod nila sa Human Security Act.

Facebook Comments