Hindi pangkalahatan o isolated incident lamang ang mga nakaraang insidente ng pang-aabuso sa mga kabataan sa pagsasagawa ng Reserve Officers Training Corps o ROTC program.
Ito ang pahayag ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, sa harap na rin ng mga banat ni Kabataan Party List Representative Sarah Elago na marami ang naabuso partikular nagiging biktima ng hazing, harassments, physical, sexual at emotional abuse na mga kabataan dahil sa ROTC kaya hindi aniya dapat itong maging mandatory.
Paliwanag ni Police Colonel Banac, maaring mapigilan o maayos ang anumang pangambang pang-aabuso ng mga kritiko sa pagpapatupad ng Mandatory ROTC program.
Mas aayusin aniya ang pagsasagawa ng mandatory ROTC program sakaling tuluyan na itong maging batas.
Sa ngayon importante aniya ay makita ang kahandaan ng mga kabataan sa muling pagpapatupad ng mandatory ROTC.
Ang panukalang mandatory ROTC program ay nakapasa na sa Kongreso at umaasa ang PNP na tuluyan itong magiging batas.