Mga nakaranas ng side-effect sa COVID-19 vaccine, wala pa sa isang porsyento ayon sa DOH

Mayorya ng mga nabigyan ng COVID-19 vaccine ang hindi nakaranas ng anumang side effect.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 99.92% ng mga naturukan ng bakuna ay hindi nakaranas ng side effect.

Gayunman, mayroon pa rin aniyang 0.08% ang nakaranas ng mild side effects sa COVID-19 vaccine.


Karamihan aniya sa naitalang side effect ang pananakit sa injection site, pagkahilo, pananakit ng ulo, pananakit ng likod, kasu-kasuan at kamay.

Nakapagtala rin sila ng biglang tumataas ang blood pressure matapos maturukan, nagpapawis, pamamantal, at pamamaga ng balat.

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga nakakaranas ng side effects na magpahinga lamang.

Tiniyak din nito na mawawala rin ang side effect ng bakuna sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Facebook Comments