Payo ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, sa mga nakakaranas na may higit isang linggo nang sintomas ng trangkaso na kumonsulta na sa doktor.
Ang payo ay ginawa ni Solante, sa harap ng dumaraming bilang ng mga may ubo at sipon ngayon.
Ayon kay Solante, karaniwan ay hanggang tatlong araw lamang ang itinatagal ng mga sintomas kung ordinaryong trangkaso lamang ito.
Pero kapag tumagal na aniya ito ng isang linggo o higit pa, at may kasama nang ibang sintomas tulad ng hirap na sa paghinga o madaling makaramdam ng pagkahapo, kailangan na itong ipakunsulta sa doktor dahil baka ito ay COVID-19 na at hindi dapat mag-self-medicate.
Dagdag pa ni Solante, posible rin kasi aniyang may bacterial component na ito na kailangan nang inuman ng antibiotic na kailangang nireseta ng doktor.