Umakyat na sa 10,080 ang mga pasyenteng gumaling sa nakakamatay na COVID-19 sa Quezon City.
Ito’y matapos madagdagan pa ng 170 na bagong nakarekober mula sa mga pasyenteng naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.
Base sa tala ng QC Health Department, nasa 2,458 pa ang active cases ng COVID-19 sa lungsod mula sa 12,980 confirmed cases na nadagdagan pa ng 285 cases.
Samantala, nadagdagan pa ng apat ang mga namatay sa sakit para sa kabuuang bilang na 442.
Nasa dalawa na lang ang mga lugar sa ilang barangay ang nasa ilalim pa ng Special Concern Lockdown na kinabibilangan ng #55 Serrano Laktaw, sa Doña Aurora at # 5 Col. Salgado sa West Kamias.
Lumuwag na rin sa COVID patients ang Novaliches District Hospital kung saan mayroon na lamang itong 16 na pasyente at 54 naman sa Quezon City General Hospital.