Patuloy na nadadagdagan ang mga bilang na gumagaling sa sakit na COVID-19 sa Cainta, Rizal.
Ayon kay Cainta, Rizal Mayor Keith Nieto, umabot na sa 143 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan kung saan 90 sa mga pasyente ang gumaling na habang nanatili sa 15 ang nasawi.
Nananatili naman aniya sa 38 ang active cases ng COVID-19 sa Cainta kung saan dalawa ang nadagdag pero dalawa rin ang gumaling.
Paliwanag ni Mayor Nieto, ang dalawang nadagdag ay stall owner at vendor sa isang public market sa labas ng Cainta, Rizal.
Facebook Comments