Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, hindi pa sapat ang mga isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies.
Giit ni Lacson, dapat magpatuloy pa ang imbestigasyon ng senado para mahalukay ang buong detalye sa likod ng pagkakalipat ng P42 bilyon ng Department of Health (DOH) patungo sa Department of Budget and Management Procurement Service o PS-DBM.
Nilinaw naman ni Lacson na walang kaugnayan sa pulitika ang ginagawa nilang imbestigasyon at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte o ibang personalidad ang puntirya nito.
Para kay Lacson, dapat na magkatuwang ang Ehekutibo at ang Senado sa paglansag sa mga katiwalian.
Pinasungalingan din ni Lacson ang mga impormasyong kinlaro ng Commission on Audit (COA) na walang korapsyon sa naturang transaksyon dahil tungkulin nito na mag-audit at hindi siyasatin ang posibleng korapsyon.