Pumalo na sa 2,567,558 doses ang nakatanggap ng bakuna sa pagpapatuloy ng QC-ProtekTODO Vaccination Program ng Quezon City local government sa lungsod.
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna, humigit na sa 100% o pumalo na sa 1,728,097 na ang nabakunahan ng first dose mula sa 1.7 million na target adult population, habang nasa 839,461 na ang nakatanggap na ng second dose sa lungsod.
Ayon pa sa CESU, sa kabuuang target adult population, nasa 933,191 na ang maituturing na fully-vaccinated na.
Ang QC-ProtekTODO Vaccination Program ng lokal na pamahalaan ay magpapatuloy hangga’t mayroong supply ng bakuna na dumarating mula sa national government.
Dahil dito ay patuloy na hinihikayat ng Quezon City Local Government Unit ang mamamayan sa lungsod na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.