Nasa higit 14.8 milyong benepisyaryo na ang nakatanggap ng tulong pinansiyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP).
Ito ay 82.5% mula sa kabuuang 18 milyong pamilya na target ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa ₱82.8 bilyon na rin ang kanilang nailabas na pondo para sa 14,866,464 na benepisyaryo ng SAP.
Kasunod nito ay umaasa rin ang ahensiya na makukumpleto na ng mga Local Government Unit (LGUs) ang distribusyon ng cash subsidies sa natitirang 3.2 million na benepisyaryo bago matapos ang deadline na itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw.
Facebook Comments