Umapela si Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa Bureau of Customs (BOC) na i-donate na lamang ang mga nakumpiska at abandonadong kargamento sa mga pier na naglalaman ng pagkain para makatulong sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19.
Hiling ni Cong. Duterte, makipag-ugnayan ang BOC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maisaayos ang release at turn-over ng mga kargamento na naglalaman ng mga pagkain.
Ayon kay Cong. Duterte, napag-alaman niyang mayroong halos 100 hanggang 300 containers ng bigas at 100 at 300 containers rin ng tuyong isda ang maaaring i-turn over sa gobyerno bilang donasyon.
Kailangan, aniyang, maipamahagi na ito sa mga pamilya sa lalong madaling panahon upang hindi masayang.
Sinabi pa ng kongresista, win-win solution ito dahil bukod sa mabibigyan ng pagkain ang mga tao, mapaluluwag rin ang mga pantalan at magkakaroon ng lugar para sa mga parating na kargamento.