MANILA – Iginiit ngayon ni Senate President Pro Tempore Ralph Rectsa gobyerno na ipamahagi na sa mga motorista ang 600,000 plaka ng kotse na binayaran na nila at nakatengga lang ngayon sa bureau of customs.Ayon kay Recto , tanging ang go-signal na lamang ng Department of Finance (DOF) ang kailangan para maipamahagi na sa mga motorista ang nasabing mga plaka na nakumpiska kamakailan ng BOC.Kailangan din siguro, ayon kay recto, ng kaunting tapik mula sa Office of the President para umaksyon agad ang DOF, tula aniya ay marami pa ring sasakyan sa motorpool ng Palasyo ang naghihintay din ng mga bagong plaka at sticker mula sa LTO.Nagtataka si Recto kung bakit hinahayaang nakatambak ang mga plaka gayung umabot na sa tatlong milyon ang backlog sa plaka ng LTO hanggang Enero pa lamang nitong taon.Para mapabilis ang nasabing proseso, ay inihain din ni Recto ang Resolusyon Number 1741 sa Senado upang hilingin sa DOF na payagan ang donasyon ng plaka mula sa Customs tungo sa LTO.Pormal ding sumulat si Recto kay Customs Commissioner Alberto Lina para ipahayag ang kanyang buong suporta sa plano ng BOC na ibigay na lamang bilang donasyon sa LTO ang 600,000 abandonadong plaka.Binigyang diin pa ni Recto, na may kapangyarihan ang Customs na ipamahagi ang mga abandonadong kargamento batay sa isinasaad ng Republic Act 1937 o Tariff and Customs Code of the Philippines.
Mga Nakatenggang Plaka Ng Sasakyan, Dapat Ipamahagi Na Sa Mga Motorista
Facebook Comments