Pinalilikas na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang mga residente na nakatira sa bahagi ng Sampaguita Extension, Barangay Payatas.
Naghahanap na ang Local Government Unit (LGU) ng ibang lugar na matitirhan ng ilang residente.
Ito’y matapos madiskubre ng QCDRRMO na hindi na ligtas pa ang lugar lalo na’t pumasok na ang panahon ng tag-ulan.
Ikinonsidera ng QCDRRMO ang pagpapaalis sa mga residente ng magsagawa sila ng inspeksyon sa structural integrity ng ilang nakatayong estruktura sa lugar.
May posibilidad umano na lumambot at gumuho ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay kapag patuloy ang mga pag-ulan.
Mas makakabuti umano hangga’t maaga ay makahanap na ng ibang lugar ang mga residente para maiwasan ang anumang mangyayaring sakuna.