MGA NAKATIRA SA GILID NG AGNO RIVER SA BAYAN BAYAMBANG, BINIGYAN NG MAAGANG PAALALA UKOL SA BANTA NG PAGTAAS NG TUBIG

Nagbigay ng maagang paalala ang lokal na pamahalaan ng Bayambang sa lahat ng mga residente na nakatira sa gilid ng Agno River bilang bahagi ng kanilang Preemptive Measures.
Inaasahan umano na ang katubigan galing sa Norte at ilang tubig mula sa Tarlac at Zambales ay may posibilidad na makapagdulot ng pagtaas ng tubig sa ilog.
Nagbigay abiso rin ang LGU sa mga sumusunod na Barangay na pagsabihan ang mga nasa malapit sa ilog na lumikas na.

Ihanda rin umano dapat ang sarili sa posibleng pagtaas ng tubig.
Ang mga Barangay Officials naman ay hinikayat na makipagtulungan agad sa MDRRMO, kung sakaling may abiso na magsasagawa na ng Preemptive Evacuation.
Ang paalala naman na ito ng LGU Bayambang ay isang Preventive Measure lamang, nang sa gayon ay maagang maiiwasan ang anumang klase ng aksidente sa baha. |ifmnews
Facebook Comments