Manila, Philippines – Tinutukoy na ngayon ng Task Force Bantay ng Philippine Army ang mga lugar sa Fort Bonifacio na pag-aari ng Armed Forces of the Philippines na tinitirhan na ng mga informal settlers.
Ito ay matapos na ipag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP na paarkilahan na ang mga bakanteng lote ng AFP sa Fort Bonifacio sa Taguig City para magkaroon ng karagdagang pondo ang AFP para sa kanilang modernization program.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson, maliban sa pagtukoy sa mga lugar na okupado na nang mga informal settlers ay – na nila ngayon kung paano gagawin ang pagpapaarkila.
Ito aniya ay pinag-uusapan na ng liderato ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense.
Facebook Comments