Mga nakauwing OFWs sa bansa buhat ng magkaroon ng COVID-19 outbreak sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 35,000!

Nakauwi na ang nasa mahigit 35,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa simula noong Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes (June 5, 2020), nakabalik na ng Maynila ang 13,566 land-based OFWs habang 21,829 naman ang lulan ng barko.

Kaugnay nito, inaasahang dadami pa ang mga repatriates na uuwi sa bansa sa mga susunod na araw mula sa Japan, France, Dubai, Abu Dhabi, Bahrain, Washington at South Korea.


Facebook Comments