Mga nakaw na laptop na pag mamay-ari ng DTI, nabawi sa Makati City

Nabalik na sa tanggapan ng Department of Trade and Industry ang mga nanakaw na laptop noong July 21, 2019.

Ayon kay Mrs. Marissa Rubio, Information System Analyst ng DTI, empleyado nila ang nagnakaw ng 15 laptop na nagkakahalaga ng 229k pesos.

Matapos mawala ang mga gamit, natuklasan nila na si Prudencio Moralda ang tumangay matapos tingnan ang CCTV footages sa kwarto.


Samantala, sinabi ng suspek na isinanla niya ito sa PTS Pawnshop sa Barangay Guadalupe.

Sa ilalim ng provisions of R.A. 1612 (Anti-Fencing Law), napapayag ang may-ari ng pawnshop na ibalik sa may-ari ang mga laptop.

Facebook Comments