Binalaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nakikialam sa pagproklma ng mga nanalong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hindi nila palalagpasin ang panghihimasok ng kahit sino para pigilin o pagbawal na ideklara ang mga nanalo sa kakatapos na halalan.
Partikular na tinutukoy ni Garcia ang isang mayor sa Bicol Region na tinakot ang Barangay Board of Canvassers na ideklara ang mga nanalo.
Aniya, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng alkalde kaya’t banal niya rito na huwag nang makialam at huwag nang hintayin pa na iaanunsiyo ng COMELECang kaniyang pangalan.
Bukod dito, inihayag pa ni Garcia na ang lahat ng may kasalanan sa pagkaantala ng botohan partikular sa ilang barangay sa Lanao del Sur ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Kabilang dito ang volunteers at security personnel na una nang ginastusan ng COMELEC sa kanilang pagsasanay para sa nasabing halalan.