MGA NAKIKITANG SOLUSYON SA PROBLEMANG PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang ilan sa mga nakikitang solusyon kaugnay sa problemang pagbaha ng lungsod gayundin ang ilang mga proyektong nakapaloob sa Flood Mitigation Projects.
Matatandaan na nauna nang naganap ang isang dayalogo kaugnay sa isasagawang mga dredging operations sa mga partikular na bahagi ng mga kailugan sa pagitan ng mga residente partikular sa Island Barangays ng Dagupan – mga barangay sa Calmay, Lomboy, Salapingao, Pugaro kasama rin ang Bonuan Gueset at ang lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang mga eksperto mula sa DENR-EMB, PENRO, CENRO, DPWH.
Ilan lamang sa isasagawang makatutulong na maibsan ang pagbaha ay ang malawakang dredging operations , pagpapatibay ng mga dikes, rehabilitasyon ng creeks at outlets, at ang kasalukuyang elevation o pagpapataas ng mga kakalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages na naumpisahan na sa kahabaan ng Arellano St at AB. Fernandez.

Matatandaan na bunsod pa ng naranasang matinding pagbaha bukod sa pag-apaw ng Sinucalan River, isa pang dahilan ang heavily silted na mga ilog o madaling sabi, makapal na ang mga namuong putik kung kaya’t nahihirapan ang tuluyang pag-agos ng tubig palabas sa mouth of the river. |ifmnews
Facebook Comments