Inihayag ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nailabas na ang kabuuang 75% o katumbas ng P12.3 bilyon na pondo para sa Barangay Development Program at nai-release na sa mga tatanggap na Local Government Units (LGUs).
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang naturang halaga ay ginamit sa mahigit 1,750 projects sa 617 barangays kung saan ang naturang pondo ay inaprubahan naman ng Department of Budget and Management (DBM).
Paliwanag ni Malaya na pinapatunayan lamang nito kung papaano ginamit ng tama ang nasabing pondo.
Tiniyak naman ni Malaya sa publiko na magiging transparent ang pagpatutupad ng Barangay Development Projects kung saan inanyayahan nito ang publiko na patuloy ang pag-monitor sa naturang mga proyekto sa NTF-ELCAC webpage.