Mga nakitang bitak sa gusali ng DOJ, hindi delikado ayon kay SOJ Guevarra

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang mga nakitang bitak sa ilang  gusali sa DOJ compound matapos ang ocular inspection kahapon.

Ayon kay  Sec.  Guevarra, wala namang nadiskubreng major damage sa DOJ buildings at sa kanilang mga equipment.

May mga nakita lamang na kakaunting cracks sa Forum at Prosecution Buildings.


Nagkaroon din ng gap o konting awang sa pagitan ng nasabing mga gusali dahil wala itong mga seismic gaps.

Ayon naman sa mga engineers ng DOJ, walang dapat na ikaalarma at maari namang tapalan ang mga nakitang cracks.

Sa kabuuan, ligtas pa ring gamitin ang lahat ng gusali sa compound ng DOJ.

Facebook Comments