Mga nakuhang sea shells, ipinatapon ulit sa dagat; ilang mangingisda sa Bajo de Masinloc, hinarass ng China

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang ginawang pangha-harass ng China Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa bahagi ng Bajo de Masinloc sa Zambales.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, hawak na nila ang mga video na ebidensya ng pangha-harass ng China Coast Guard sa mga mangingisda matapos silang makita na nangongolekta ng sea shells sa lugar.

Sa video ng mangingisdang si Jack Tabat na nagmula sa kanilang bangka, pinababalik sa kanila ang mga shell na nakuha at kalaunan at itinataboy sila.


Nasa limang tauhan ng Chinese Coast Guard na sakay ng rubber boat ang lumapit sa kanila kung saan pinigilan pa ang kanilang bangka na lumayo hangga’t hindi ibinabalik sa dagat ang mga nakuha.

Sa ngayon, nangangalap pa ng mga pahayag ang PCG mula sa iba pang sakay ng bangka na nakaranas ng harassment mula sa China.

Facebook Comments