Mga nakumpiskang medical supplies ng CIDG, nai-turnover na sa DOH

Nasa kostodiya na ng Department of Health ang kahon-kahong mga medical supplies na nasabat sa mga operasyon ng Criminal Investigatoin and Detection Unit o CIDG-Quezon City.

Kabilang sa mga nakumpiskang medical supplies ay 32 galons ng isoprophyl alcohol, 13, 000 piraso ng disposable face masks at 28 safety goggles.

Ayon sa CIDG, nagkakahalaga ang mga ito ng tinatayang P400,920.


Ayon kay CIDG-QC District Field Unit Chief Lt.Col. Robert Domingo, ang naturang mga medical supplies ay nakumpiska sa isinagawang entrapment operation laban sa mga negosyanteng sina Jovelyn Gingo, Ignacio Cortes Jr, at Kimper Joy Edoloverio na una nang naaresto sa entrapment operation ng CIDG.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa consumer price act dahil sa pagbebenta ng mga overpriced na produkto.

Facebook Comments